home.social

#taginit — Public Fediverse posts

Live and recent posts from across the Fediverse tagged #taginit, aggregated by home.social.

fetched live
  1. Para maibsan ang init, sa labas ng class room pinag-exam ng isang guro sa Gabaldon, #NuevaEcija ang kanyang mga estudyante sa Nueva Ecija University of Science and Technology - Gabaldon Campus.

    Para sa mga kaugnay na ulat ng @bayanmoipatrolmo: news.abs-cbn.com/bmpm

    #TagInit

  2. Bilang diskarte ngayong #TagInit, naglatag sa balkonahe ang pamilyang ito para maging presko ang kanilang pagtulog sa gabi.

    Ayon kay Bayan Patroller John Waller Talisayon ng Lucena City, #Quezon, naging maayos naman ang kanilang pagtulog. Naglagay din sila ng kulambo para hindi sila lamukin.

    Para sa mga kaugnay na ulat ng @bayanmoipatrolmo: news.abs-cbn.com/bmpm

  3. Gamit ang recycled materials tulad ng bote, stick at hose, nakabuo ng air cooler si Bayan Patroller Bandola para maibsan ang nararamdamang init ng panahon.

    Para sa mga kaugnay na ulat ng @bayanmoipatrolmo: news.abs-cbn.com/bmpm

    #DIY
    #TagInit
    #Caloocan

  4. Namigay ng tubig ang ilang miyembro ng #BINI sa mga manonood sa dinaluhan nilang event para sa #DagupanBangusFestival sa Dagupan City, #Pangasinan noong Abril 30.

    Para sa mga kaugnay na ulat ng @bayanmoipatrolmo: news.abs-cbn.com/bmpm

    #TagInit

  5. Inflatable pool na may sprinkler ang paraan ng fur parent na si Bayan Patroller Des Viernes para maibsan ang init na nararamdaman ng mga alagang sina Oreo, Kisses at Meiji.

    Para sa mga kaugnay na ulat ng @bayanmoipatrolmo: news.abs-cbn.com/bmpm

    #TagInit
    #DogLover
    #NuevaVizcaya

  6. Siya si Jowell Bondoc na naglalaan ng kaunting pera mula sa kanyang kinikita para makabili ng tubig para sa mga pasahero.

    Para sa mga kaugnay na ulat ng @bayanmoipatrolmo: news.abs-cbn.com/bmpm

    #Viral
    #GoodSamaritan
    #TagInit
    #Tarlac

  7. Isang jeepney driver sa #Tarlac City ang namimigay ng libreng inuming tubig sa kanyang mga pasahero.

    #Viral
    #GoodSamaritan
    #TagInit

  8. Dahil sa init ng panahon, pinag-uusapan na gawing apat na araw kada linggo ang pagpasok sa trabaho. Kung ganito, magiging 10 oras na kada araw ang trabaho para mabawi ang dapat na ikalimang araw.

    Para sa’yo, pabor ka ba sa panukalang 4-day work week?

    Basahin ang kaugnay na ulat: news.abs-cbn.com/business/2024

    #TagInit
    #FordaTok
    #BMPM

  9. #SUMMER TIPS & TRICKS 🚨

    Ano ba itong nadarama, oh shux! Ito ba'y heat-related emergency na? 🎶

    Alamin ang mga dapat gawin para maging cool ngayong tag-init! ☀️😎

    #TagInit
    #BMPM