home.social

#bulacan — Public Fediverse posts

Live and recent posts from across the Fediverse tagged #bulacan, aggregated by home.social.

  1. Para ngayong #Undas2024, ginantsilyong mga bulaklak ang inalay ni Bayan Patroller Aida Valenzuela para sa yumao niyang mga magulang.

    #Undas2024
    #Bulacan

  2. Ayon kay St. Peter the Apostle Parish Youth Ministry President Bayan Patroller Eirron Carlo Alfonso, layon ng parada na gunitain ang kabanalan ng mga santo.

    #AllSaintsDay
    #Pampanga
    #Bulacan

  3. Para gunitain ang #AllSaintsDay, naggdaos ng “Parade of Saints” sa St. Peter the Apostle Parish sa Apalit, #Pampanga at sa Baliwag, #Bulacan.

  4. “Palanggana delivery” ang paraan ng pag-abot ng pagkain nina Bayan Patroller Michaela Grace Secreto ng Bgy. Meysulao, Calumpit, #Bulacan dahil sa #baha na dulot ng #KristinePH.

    #FloodPatrol

  5. Crocheted #Christmas ornaments ang binebenta ni Bayan Patroller Regine Rosca. Ilan sa kanyang mga likha ay ang crochet version ng nativity scene, Christmas wreath, placemat at iba pa.

    #ArtPatrol
    #Pasko
    #Bulacan

  6. Ipinarada ang iba’t ibang imahe ng Mahal na Birheng Maria sa Malolos City, Bulacan kagabi, Setyembre 7 para sa piyesta ng kapanganakan ng Birheng Maria.

    #Procession
    #Marian
    #Bulacan

  7. #FloodPatrol Bgy. Nagbalon, Marilao, #Bulacan | #EntengPH | September 2, 2024

    Dahil sa Bagyong Enteng, abot-tuhod ang baha sa Bgy. Nagbalon, Marilao, Bulacan ngayong araw, Setyembre 2.

    #WeatherPatrol
    #Bagyo
    #Baha

  8. LISTAHAN NG #WalangPasok (as of September 2, 2024)

    Dahil sa pag-ulang dala ng Bagyong #EntengPH, sinuspinde na ang klase sa lahat ng antas bukas, Setyembre 3, sa mga sumusunod na lugar:

    LAHAT NG ANTAS
    #Cavite (public, private)
    #Calasiao, Pangasinan (public, private)
    Hagonoy, #Bulacan (face-to-face classes, public and private)

    #BMPM

  9. Inspirasyon sa marami ang pagsisikap ng 65-anyos na si Josephine Amante Villatema na makapagtapos ng pag-aaral. Kasalukuyan siyang 2nd year college.

    Ipinangako niya kasi sa kanyang ama na makakakuha siya ng college degree kahit na nahinto ang kanyang pag-aaral noong ikinasal siya noong siya ay 18 years old.

    Para sa mga kaugnay na ulat ng @bayanmoipatrolmo: news.abs-cbn.com/bmpm

    #Heartwarming
    #SeniorCitizen
    #Bulacan

  10. #LindolPatrol Sta. Maria, #Bulacan | December 5, 2023

    Lumabas mula sa kanilang classroom ang mga estudyante ng PUP Sta. Maria sa Bulacan matapos yanigin ng lindol ngayong araw, Disyembre 5. Suspendido na rin ang lahat ng klase sa lahat ng PUP branch at campus ngayong araw.

    #LindolPH
    #EarthquakePH
    #PUP
    #OccidentalMindoro

  11. #SunogPatrol Panghulo, Obando, #Bulacan | July 27, 2023

    Lima ang nasugatan sa sunog sa isang residential area sa Panghulo, Obando, Bulacan kaninang umaga, Hulyo 27. Iniimbestigahan pa ng #BFP ang sanhi ng #sunog.

    Para sa mga kaugnay na ulat ng @bayanmoipatrolmo: abscbn.news/BMPM