#bagyo — Public Fediverse posts
Live and recent posts from across the Fediverse tagged #bagyo, aggregated by home.social.
-
Rumampa ng parang beauty queens ang mga estudyanteng nagpalipas ng gabi dahil sa bagyong #PepitoPH sa isang evacuation center.
-
Isinalba ng mga magsasaka sa Bgy. Caanawan, San Jose City, #NuevaEcija ang kanilang pananim mula sa baha na dulot ng bagyong #PepitoPH.
-
Nasira ang mga pananim na gulay ng isang residente ng Bgy. Antipolo, Bongabon, #NuevaEcija dahil sa bagyong #PepitoPH.
-
Pinadapa at winasak ng bagyong #PepitoPH ang bahay ng mga residente ng Bgy. Libod, Pandan, #Catanduanes.
-
#PepitoPH #Aftermath Bgy. Zone 1, Dinalungan, #Aurora | November 18, 2024
Natumba ang mga puno at natanggalan ng bubong ang ilang bahay sa Bgy. Zone 1, Dinalungan, Aurora dahil sa bagyong Pepito.
-
Dahil sa bagyong #PepitoPH, nawasak ang mga bahay, nakalbo ang mga puno at nasira ang mga pananim sa Bgy. San Juan, San Miguel, #Catanduanes.
-
#WeatherPatrol #PepitoPH Bgy. Poblacion, Diadi, #NuevaVizcaya | November 17, 2024
Maulan at mahangin sa Bgy. Poblacion, Diadi, Nueva Vizcaya ngayong araw, Nobyembre 17, dahil sa bagyong Pepito.
-
#WeatherPatrol #PepitoPH Rizal & San Jose City, #NuevaEcija | November 17, 2024
Dahil sa bagyong Pepito, nakararanas ng malakas na ulan at hangin sa Rizal at San Jose City sa Nueva Ecija ngayong araw, Nobyembre 17.
-
#FloodPatrol #PepitoPH Bgy. Santa Teresa, Bagamanoc, #Catanduanes | November 17, 2024
Nasira ang mga bahay, natumba ang mga puno at baha sa Bgy. Santa Teresa, Bagamanoc, Catanduanes matapos daanan ng bagyong Pepito ang lugar.
-
#WeatherPatrol #PepitoPH Bgy. Zabali, Baler, #Aurora | November 17, 2024
Malakas na hangin at ulan ang nararanasan sa Bgy. Zabali, Baler, Aurora ngayong araw, Nobyembre 17, dahil sa bagyong Pepito. Nasa ilalim ng Signal No. 5 ang lugar.
-
#FloodPatrol #PepitoPH Bgy. Putsan, Tiwi, #Albay | November 17, 2024
Dahil sa Bagyong Pepito, nakararanas ng baha sa Bgy. Putsan, Tiwi, Albay ngayong araw, Nobyembre 17.
-
Nasira ang mga bahay at nakalbo ang mga puno sa Bgy. Puraran, Baras, #Catanduanes dahil sa bagyong #PepitoPH.
-
Nagtamo ng matinding pinsala ang Viga, #Catanduanes matapos hagupitin ng Bagyong #PepitoPH.
-
Nagsisilbing evacuation center ng limang pamilya ang isang bahay sa Brgy. 5, Malilipot, #Albay dahil sa banta ng Bagyong #PepitoPH.
Binuksan ni Bayan Patroller Ayen Biso ang kanyang bahay para matulungang lumikas ang kanyang mga kapitbahay na binubuo ng mga 10 bata, 11 matatanda, at dalawang senior citizen.
-
#WeatherPatrol #PepitoPH Bgy. Santa Teresa, Bagamanoc, #Catanduanes | November 16, 2024
Malakas na ulan at hangin ang dala ng Bagyong Pepito sa Bgy. Santa Teresa, Bagamanoc, Catanduanes ngayong araw, Nobyembre 16.
-
Mataas at malakas ang hampas ng alon sa Bgy. Sta. Cruz, Virac, #Catanduanes ngayong araw, Nobyembre 16, dahil sa Bagyong #PepitoPH.
-
#WeatherPatrol #PepitoPH Poblacion, Bagamanoc, #Catanduanes | November 16, 2024
Pabugso-bugsong ulan at malakas na hangin sa Poblacion, Bagamanoc, Catanduanes ngayong araw, Nobyembre 16, dahil sa Bagyong Pepito.
-
#WeatherPatrol #PepitoPH Bacon, #Sorsogon City | November 16, 2024
Makulimlim at malakas ang alon sa Bacon Boulevard, Sorsogon City kaninang umaga, Nobyembre 16, dahil sa Bagyong Pepito.
-
Malaki at malakas na hampas ng alon na umaabot na sa kalsada sa Tigaon, #CamarinesSur.
-
Umabot na sa kalsada ang tubig dagat dahil sa malakas na hampas ng alon sa Brgy. Divino Rostro, San Andres, #Catanduanes.
-
#WeatherPatrol #PepitoPH Brgy. Cababto-an, Pambujan, #NorthernSamar | November 16, 2024
Malakas na ulan at hangin sa Bgy. Cababto-an, Pambujan, Northern Samar dahil sa Bagyong Pepito.
-
Malakas na alon sa Bgy. Carogcog, Rapu-Rapu, Albay kaninang umaga, Nobyembre 16.
-
#WeatherPatrol Manatiling ligtas at alerto, Kapamilya! 🚨
Dahil sa banta ng Bagyong #PepitoPH, importanteng malaman ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng bagyo.
Basahin ang kaugnay na ulat: https://news.abs-cbn.com/news/2024/11/15/storm-surge-warning-up-in-areas-on-typhoon-pepito-s-path-2110
-
Abala na sa pamimili ang mga residente ng Nabua, #CamarinesSur at Ligao City, #Albay bilang paghahanda sa Bagyong #PepitoPH. Dahil dito, nagkakaubusan na ng paninda sa ilang supermarket.