Simula by Jake
Simula by Jake
May mga lugar ako noong kabataan ko
Naibabahagi ko sa iyo kasama ang mga alalala
Dahil gusto kong mas makilala mo pa ako
At malaman mo kung saan ako lumaki
Bigla kang napahinto at kumunot ang iyong noo
Nagtaka ako at tinanong ka kung bakit
Bigla kang napangiti at sinabi mong
“Nakapunta na ako diyan”
Isa, Dalawa at ilan pang lugar
Na tila inapakan na ng ating mga paa
Hindi man sa parehong pagkakataon
Pero maaaring nagsimula ng ating pagtatagpo
Maaaring nagkasalubong na tayo noon
Maaaring bumili ka na sa tindahan namin
Pero hindi pa tamang panahon para sa atin
Para magtagpo ang mga puso nating dalawa
May tamang panahon ang lahat
Kahit ngayon na tayo ay magkahiwalay
Darating din ang panahon na tayo ay magkakasama
At hindi na muling maghihiwalay
Author’s Bio:
Jake is a consultant at a software company, an emerging author, and a talented lyricist known for her ability to tug at readers’ heartstrings with her authentic writing. Driven by a passion for storytelling, she created the platform RandomWordsByJake to showcase her poetry. Through her work, she aims to inspire readers to pursue their dreams and aspirations.
Born and raised in Manila, Philippines, Jake currently resides in Parañaque, a vibrant city within Metro Manila. She has also spent time in Hong Kong and Bukidnon, where she balanced her daily job with her writing, drawing inspiration from her diverse experiences.
In April 2024, Jake celebrated a milestone with her book signing event at the Philippine Book Festival. She is now diligently working on her second book, eagerly anticipating the opportunity to share it with her audience soon
#MasticadoresPhilippines #Poetry